Linggo, Agosto 19, 2012

pag-ibig???


Pare-pareho ang lahat ng kwento. Lahat sila umiikot sa pag-ibig o pagmamahal. Nadadagdagan o naiiba man laging may pag-ibig sa mga kwento’t alamat.
Nagsisimula ang kwento sa pagmamahal sa isang bagay o sa isang tao. Mula sa pagmamahal na ito, nagkakaroon ng pagsasakripisyo, pagkabigo at kalungkutan. Lahat ng tauhan sa nobela ay nagmahal. Kahit ang mga gawa-gawang tauhang (fictitious characters) nabanggit ay umibig. Pagmamahal man ito sa halamang gabi o pagmamahal sa kasintahan, lahat ng kwento ay umiikot sa pag-ibig. Mahirap ang umibig dahil maraming pagsubok. Kung minsa’y, kakalabanin mo ang mundo kapag ika’y iibig (tulad ni Boboy at Estela at and diyosang si Takay at ang mortal na si Kanaway). Subalit na sayo ang desisyon kung ipaglalaban mo ba ito o hindi.

Sa mga nararanasan – saya, lungkot, paghihirap at ginahawa – kapag umiibig nabubuo ang isang kwento.
Sa pagtatapos ng nobela, binigyang ng pagsasara ang maraming bagay. Ngunit may mga katanungang hindi rin nasagot. Asan na ni Nene at bakit hindi siya bumabalik ng Sagrada? Natagpuan niya ba ang kanyang hinahanap? Ano ang totoong kwento ng kaluluwa?
Bukas ang kwento sa imahinasyon ng mambabasa sa kung ano ang maaaring nangyari. Dito makikita kung paano nanganganak ang mga alamat at kwento. Bukas sila upang dagdagan base sa gusto ng mambabasa. Ang mga kwento ay hindi namamatay parang kaluluwa ng tao.
Hindi tayo magiging tiyak kung totoo nga ba ang mga sinulat ni Esteban. May mga pangyayari siyang isinulat sa libro na wala naman siya ngunit alam niya ang nangyari. Inamin niya rin na gawa-gawa lamang niya ang kwento ng kaluluwa sa kanyang kwarto. Ngunit hindi ito mahalaga, hangga’t sa naiugnay at nahanap mo ang kabuluhan ng kwento sa iyong buhay. (Sa ingles, hehe, it doesn’t matter as long as you’ve found its meaning in your life.)
Ang nobela ay nagbigay sa akin ng mga dapat pag-isipan bilang bahagi ng kabataan ngayon. Isa na rito ang pag-iisip ng kabataan ngayon na ang solusyon sa kanilang mga problema ay ang pagpapakamatay. Ang pagkatakas sa problema ng buhay. Malaki ang pagkakaiba nito sa henerasyon nila Selya. Si Selya ginahasa ng mga Hapon, si Bino sinunog ang mga magulang at ginahasa ang asawa sa harap niya, si Lope pinatay ang asawa’t mga anak sa digmaan. Walang nagpakamatay sa kanila kahit na mas matindi ang kanilang pinagdaanang problema kumpara sa mga kabataang nagpakamatay sa kwento. Lumaban sila sa mga pagsubok ng buhay. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Patuloy tayong makipagsapalaran sa buhay dahil magagantimpalaan rin tayo sa huli at magiging masaya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento